PGMA, panauhing pandangal sa Asian trackfest
August 8, 2003 | 12:00am
Inimbitahan ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na maging principal guest of honor at speaker sa opening ceremonies ng Asian Athletics Association sa Sept. 20 sa Rizal track and field stadium.
Ipinadala na ni PATAFA chief Go Teng Kok, na siyang chairman ng organizing com-mittee ang pormal na imbitasyon sa Malacañang noon pang Lunes bilang kinatawan ni 3As president Shri Suresh Kalmadi, member of the Parliament of India at 44 member countries na lalahok sa nasabing tournament.
"Fine vehicle for boosting tourism efforts and strengthening the bonds of friendship with our Asian neighbors to help make the world a better place to live in," ang nakasaad sa liham sa imbitasyong ipinadala ni Go sa Pangulo na ayon sa kanya ang nasabing Asian championship ay kinukunsiderang Olympics of Asia.
Nagpahayag rin ang athletics president ng kanyang pasasalamat kay PSC Chairman Eric Buhain noong nakaraang Martes nang maging panauhin ito sa PSA Forum kung saan inihayag niya ang paglalaan ng P16 milyon para suportahan ang pagho-host ng bansa sa 3As, 15th edition, ang pinakamalaki at pinakaimportanteng sports spectacle na gaganapin sa Asia ngayong taon.
"I am very grateful that chairman Buhain is fully supporting us in the third time that the Philippines is hosting the event. Im sure this will come a long way in realizing our collective aspirations," ani Go.
Mahigit sa 1,500 atleta, coaches at dignitaries ang inaasahang dadalo sa apat na araw na trackfest. Nagpadala ang Japan ng pinakamalaking bilang ng delegasyon na 88, sumunod ang world power na China at India na may tig-70. Qatar 69, Saudi Arabia 58, Sri Lanka 50, Korea 41 at Singa-pore 36 at iba pang bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 21, 2026 - 12:00am