^

PSN Palaro

5 Fil-foreign cagers ipinadedeport

-
Limang dayuhang manlalaro sa Philippine Basketball Association (PBA) ang inirekomenda ng senado na isailalim sa summary deportation proceedings ng Bureau of Immigration (BI) matapos matuklasan na peke ang pagiging Filipino ng mga ito.

Sinabi ni Sen. Robert Barbers, chairman ng senate committee on games, amusements and sports, ang mga inirekomenda para sa summary deportation proceedings ay sina Paul Asi Taulava ng Talk N Text, Andy Seigle ng Purefoods, Jonathan Ordonio ng Alaska, Davon Harp ng Red Bull at Rudolf Hatfield ng Coca-Cola.

Tatlo pang dayuhang manlalaro sa PBA sina Dorian Peña ng San Miguel Beer, Michael Alfio Pennisi ng Red Bull at Alex Vincent Crisano ng Ginebra, ang inirekomenda naman ng komite ni Sen. Barbers na isailalim sa ‘further investigation’ ng Department of Justice at BI kaugnay sa kuwestiyonableng pagiging Filipino.

Ayon kay Barbers, ang limang dayuhang cagers ay nabigong patunayan sa komite na mayroon silang dugong Filipino batay na rin sa isinagawang imbestigasyon ng kanyang team na nagtungo sa iba’t ibang lalawigan na umano’y pinanggalingan ng mga ninuno nito.

Bukod sa nasabing mga manlalaro, inirekomenda din ng komite sa Ombudsman at National Bureau of Investigation (NBI) na isailalim sa imbestigasyon ang mga agents, managers at lawyers ng nasabing mga manlalaro na pineke ang mga dokumento ng kanilang kliyente para lamang palabasin na may dugong Pinoy ang mga ito.

Inirekomenda din ng Barbers committee ang pag-iimbestiga sa mga civil registrars na sina Yuri del Valle Sr., ng San Jose, Northern Samar; Asuncion Mendoza, assistant civil registrar ng Quezon City at Luz Austria, municipal civil registrar ng San Antonio, Nueva Ecija dahil sa pag-iisyu ng kuwestiyonableng birth certificate ng ilang ninuno ng mga dayuhang players na ito.

Ipinaliwanag pa ni Barbers, inirekomenda din ng komite sa BI na isa-ilalim sa imbestigasyon ang kanilang mga hearing officers na duminig sa aplikasyon ng mga sinasabing players para sa kanilang recognition bilang Filipino citizen kasabay ang pagdetermina sa kanilang criminal liabilities.

Iginiit pa ng mambabatas, hindi matutuklasan ang umiiral na anomalya kung hindi ito isiniwalat ng mga PBA players na sina Jojo Lastimosa, Alvin Patrimonio at Zaldy Realubit.

Ayon pa kay Barbers, dapat magkaroon ng mahigpit na procedures at requirements para sa aplikasyon ng Philippine citizenship kasabay ang paghihigpit sa mga late registration sa ating mga civil registrars.

Samantala, ayaw munang magbigay ng pahayag ni PBA commis-sioner Noli Eala, maging ang mga manlalarong kasali at ang kanilang team managers dahil wala pa naman silang natatanggap na sulat para sa pormal na desisyon ng senado.

Ayon kay Eala, kapag natanggap na nila ang pinal na desisyon ng senado, makikipag-pulong ito sa PBA Board upang talakayin ang kanilang magiging hakbang tungkol dito. (Ulat nina Rudy Andal at Dina Marie Villena)

ALEX VINCENT CRISANO

ALVIN PATRIMONIO

ANDY SEIGLE

ASUNCION MENDOZA

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

DAVON HARP

DEPARTMENT OF JUSTICE

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with