^

PSN Palaro

FedEx, SMB kakapit ng mahigpit

-
Pahigpitin ang kapit sa kontensiyon at siguraduhin ang maagang pag-uwi ng mga kalabang foreign teams ang iisang layunin ng FedEx Ex-press at San Miguel Beer sa kanilang magkahiwalay na laro ngayon sa Samsung-PBA Invitationals na magpapatuloy sa Cuneta Astrodome.

Ang Yonsei University mula sa South Korea ang kalaban ng Express sa alas-5:00 ng hapon ha-bang ang Magnolia-Jilin Yi Qi ng China naman ang asignatura ng SMBeer sa alas-7:30 ng gabi.

Parehong wala pang panalo ng Yonsei-Korea at Magnolia-Jilin matapos ang dalawang laro ngunit may natitira pang gahiblang pag-asang makapasok sa crossover semifinals.

Titiyakin naman ng FedEx at San Miguel na tuluyan nang mabura ang pag-asang ito na hudyat ng pagbabalot ng mga Koreano at Tsino pauwi sa kanilang bansa.

Samantala, ang tagumpay ng Express at SMB na may 1-1 record sa Group A at Group B ayon sa pagkakasunod, ang magpapahigpit ng kanilang kapit sa konten-siyon.

Kumpara sa Beermen, mas delikado ang kalagayan ng Express dahil nakapuwesto na sa top-two positions na uusad sa semifinal round ang Red Bull at Talk N Text bunga ng kanilang malinis na 2-0 win-loss slate.

Kung masisibak ng Express at San Miguel ang kalaban, tanging ang Novi Sad-Yugoslavia na lamang ang may pag-asa sa $20,000 na itinaya ng PBA para sa mag-tsa-champion na foreign team.

Ngunit tila malilibre na ang PBA sa premyo dahil 0-2 na rin ang mga Yugoslavian at halos talsik na sa kontensiyon. (Ulat ni CVOchoa)

ANG YONSEI UNIVERSITY

CUNETA ASTRODOME

GROUP A

GROUP B

MAGNOLIA-JILIN YI QI

NOVI SAD-YUGOSLAVIA

RED BULL

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL BEER

SOUTH KOREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with