^

PSN Palaro

Junior Phone Pals, hari ng Six Footers Cagefest

-
Isang come-from-behind na 73-69 tagumpay ang hinatak ng Talk N Text kontra sa Youth for Roco upang pagharian ang 2nd Bert Lina Cup Six Footers Basketball League sa Cebu Coliseum.

Sumandal ang Junior Phone Pals sa kabayanihan ng 6’3 na si Gerry Carilla, na umiskor ng anim na krusiyal na free-throws nang pantayan nila ang pagwawagi ng titulo ng kanilang Luzon counterpart at PBA team sa isang linggong cagefest para sa mga manlalaro na na may 18 anyos pababa at may taas na 6’0 pataas.

"It was our trapping defense that worked down the final stretch for us. But I have to credit the heart of my players, who never gave up despite the advantage that our opponents enjoyed," ani TNT coach Edito Salacot.

Naiwanan pa ang Junior Phone Pals sa 52-62 may 6:19 sa huling bahagi ng laro ngunit nagawang itabla sa 64-all sa final 2:08 sa pamamagitan ng trapping defense na nagbukas sa fastbreak lanes.

Nakuha pang umabante ng Y4R sa 69-67 bago pumukol na winning basket si Carilla, na napili ding Most Valuable Player.

Matapos ang Cebu leg, ang Six Footers league na sinimulan ni Air21 chairman Bert Lina, ay may planong magtungo sa Mindanao. Ang kampeon at runners-up ng Luzon, Visayas at Mindanao legs ay maghaharap-harap sa Grand Finals.

"I think we made our point here," ani Lina. "We started this trend of training tall players how to move and play like point guards, and we’re confident this philosophy catches on all over the country."

vuukle comment

BERT LINA

BERT LINA CUP SIX FOOTERS BASKETBALL LEAGUE

BUT I

CEBU COLISEUM

EDITO SALACOT

GERRY CARILLA

GRAND FINALS

JUNIOR PHONE PALS

LUZON

MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with