UST sinopresa ng Adamson
August 4, 2003 | 12:00am
Ginulantang ng Adamson University ang University of Santo Tomas nang kanilang itakas ang 60-57 panalo kahapon sa UAAP mens basketball tournament sa Ateneo gym.
Nakabawi sa dalawang sunod na kabiguan ang AdU Falcons habang nalasap naman ng UST Tigers ang ikalawang sunod na talo at bunga nito nagtabla sila sa 2-3 win-loss slate.
Binasag ni Kenneth Bono ang 57-all pagtatabla ng umiskor ito ng split shot, may 55 segundo pa ang oras.
Hindi na naka-iskor ang Uste nang dumulas sa kamay ni Christian Luanzon ang inbound pass ni Jenino Manansala para sa isang turnover.
Na-foul naman ni Dondon Villamin si Patrick Tiongco para sa isa namang split shot, 59-57, 23.2 segundo na lamang ang nalalabi.
Isa namang turnover ang nangyari sa posesyon ng Tigers nang matapikan ng bola ni Jojo Hate si Alvin Espiritu na agad nakuha ni Tiongco.
Humatak ng foul si Tiongco kay Frederick Hubalde para sa ikatlong split shot na siyang naging final score, 7.6 tikada na lamang ang nasa orasan at wala nang nagawa ang Tigers.
Sa ikalawang seniors game, nalusutan ng FEU Tamaraws ang UE Red Warriors, 64-62, para sa sa solo liderato. (Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended