Pacquiao dadalaw kay PGMA
July 31, 2003 | 12:00am
Tuwang-tuwa si International Boxing Federation junior featherweight champion Manny Pacquiao nang malaman niyang inanyayahan siya ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na magtungo sa Mala-kanyang bukas ng ala-una y medya ng hapon.
Si Pacquiao, na nasiyahan din nang papurihan ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address noong Lunes, ay nagpasalamat din sa Pangulo sa pagsuporta nito sa kanyang career at sa interes na ipina-kita sa magiging laban nito kay Emmanuel Lucero sa isang pag-uusap nang minsang manood ng PBA games ang Pangulo.
Isang mapanirang third-round one punch ang ibinigay ni Pacquiao sa kalabang si Lucero, na nagpangatog sa tuhod nito, para mapanatili ang korona sa kanilang laban sa Grand Olympic Auditorium sa Los Angeles.
Ang courtesy call ni Pacquiao kay Pangulong Arroyo ay tatampukan ng Viva Sports replay ng kanyang naging laban sa Mehikano at tatalakayin din ng Pinoy champ ang mga nalalapit pa niyang laban.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended