^

PSN Palaro

Atleta tatanggalin sa SEAG kapag

-
Nagkaisa ang Philippine Olympic General Assembly kahapon na pumayag sila na tanggalin ang mga atleta na nag-qualified para sa Vietnam Southeast Asian Games mula sa RP delegation kung ang mga ito ay mabibigong mamintina ang kani-kanilang performance level.

Ayon sa RP delegation chef de mission at wushu president Julian Camacho na ang nasabing desisyon ang magpupursige sa mahigit 377 atletang nagkuwalipika na hindi mag-relax matapos na malamang sila ay pasok na sa listahan ng RP contingnent.

Ang 377 mga atletang nagkuwalipika na ginamit ang tatlong level ng criteria ay ang gold at silver medal winners sa nakaraang 2002 Busan Asian Games. "There is a tendency to slow down as far as training is concerned and we don’t want that to happen to our athletes. They really have to work hard to keep their slots in the team," paliwanag ni Camacho.

Habang ang mahigit sa 107 atleta ay nanatiling nasa conditional status, sinabi ni Camacho na ang opisyal na miyembro ng RP delegation ay malalaman sa katapusan ng buwan ng Setyembre.

"We will be sending the final list of athletes and officials to the Vietnam SEA Games Organizing Committee in November," dagdag pa ni Camacho.

Ayon naman kay POC president Celso Dayrit, inapro-bahan ng assembly ang 377 atleta na ‘ without prejudice to any necessary adjustments depending on the prevailing performance of the athletes."(Ulat ni MRepizo)

vuukle comment

AYON

BUSAN ASIAN GAMES

CAMACHO

CELSO DAYRIT

GAMES ORGANIZING COMMITTEE

HABANG

JULIAN CAMACHO

NAGKAISA

PHILIPPINE OLYMPIC GENERAL ASSEMBLY

VIETNAM SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with