^

PSN Palaro

Mariano III lumapit sa winner

-
Winasak ni Nelson Mariano III ang Sicilian Defense ni Ghanem Al-Sulaiti noong Lunes upang makalapit sa mga lider, matapos ang 7th round ng second Dubai International Open Juniors Chess Championship sa Dubai Chess and Culture Club.

Ang 54 move na tagumpay kontra sa Qatari ay ikaapat na sunod ni Mariano, na nagbigay sa kanyang ng 5.5 puntos, kalahating puntos lamang na layo sa mga lider na sina Hamayoon Taufighi, Ishaq Saeed at GN Gapal may dalawa pang rounds ang nalalabi sa event na humatak ng pinakamahuhusay na junior players sa daigdig.

Ang 14 anyos na chess wiz, kapatid ni dating Asian Juniors champion Mariano II na ang biyahe dito ay suportado ni Atty. Andres Gatmaitan at ng Filipino Dubai Chess Club, ay makikipaglaban kay Lara Stock sa penultimate round.

Hawak ang itim na piyesa, inaasahan ni Mariano na magi-ging mahigpit ang kanyang laban kontra sa 12 anyos na Croatian.

Samantala, kapwa nagposte ng magkatulad na 3 puntos sina Chester Ariola at Francis Ducalang para sa 20th place sa 12 under class habang sina Chadine Camacho at John Valerio ay nasa 5th place sa magkaparehas na 4 puntos sa 10-under category.

vuukle comment

ANDRES GATMAITAN

ASIAN JUNIORS

CHADINE CAMACHO

CHESTER ARIOLA

DUBAI CHESS AND CULTURE CLUB

DUBAI INTERNATIONAL OPEN JUNIORS CHESS CHAMPIONSHIP

FILIPINO DUBAI CHESS CLUB

FRANCIS DUCALANG

GHANEM AL-SULAITI

MARIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with