FedEx vs Yugoslavia; Alaska kontra China
July 30, 2003 | 12:00am
Pagkakataon naman ngayon ng Novi Sad-Yugoslavia at ng Magnolia-Jilin mula sa China na magpakitang gilas sa Samsung-PBA Invita-tional Championships.
Susubukan ng FedEx ang lakas ng Novi Sad sa alas-5:00 ng hapon ha-bang ang qualifier na Alaska naman ang kakaliskis sa China squad sa alas-7:30 ng gabi.
Interesanteng panoorin ng ikalawang laro dahil kay Ma Jian na nakilala na dito sa bansa.
Kung inyong matatandaan, si Ma Jian ang import ng Hapee Tooth-paste nang kanilang matikman ang kauna-unahang titulo sa Philippine Basketball League.
Kasama ni Ma Jian si Sun Jun sa koponang ipinadala ng China at ang dalawang manlalarong ito ay bahagi ng team na dumurog sa RP team noong 1990 Asian Games.
Si Ma Jian na di na nakakalaro sa national team dahil sa kanyang pagtatangkang makasabak sa National Basket-ball Association, ang ipinalit kay Wang Bo na nagpa-praktis para sa national team.
Si Sun ay ang leading scorer sa Chinese league kung saan ito ay may average na 30-puntos kahit na mas bata at mas mabibilis ang mga kalaban.
Dahil sa dalawang ito, inaasahang mahihirapan ang Aces na pangungunahan nina John Arigo, EJ Feihl, Ali Peek, Brandon Lee Cablay, Mike Cortez at Rob Duat.
Hindi na estranghero si Ma Jian kay coach Tim Cone dahil ang Alaska mentor ang nagmando ng RP team na natalo sa China sa semifinals ng 1998 Asian Games.
Sisikapin namang diskubrehin ng Express ang lakas at kahinaan ng Yugoslavian team ng maaga nila itong masulusyunan tulad ng ginawa ng Red Bull Barako.
Ginamit ng Barakos ang kanilang mga big men sa pangunguna ni Nelson Asaytono para sa bilis at mahusay na shooting ng Yonsei University-Korea para sa 106-96 panalo noong opening day.
Kaya tiyak na may panapat ang Express sa matatangkad na Yugos-lavians. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended