Dinurog ng 24 anyos na kaliwete na may mahinahon na istilo si Lucero sa pamamagitan ng isang nakakayanig na left cross na nagpaluhod sa Mehikano. Nilapitan at niyakap ni referee Joe Cobain si Lucero at pinigil ang laban nang makitang lumupaypay ang challenger sa pagkapit nito sa lubid.
At dahil sa kanyang pagwasak sa isa na namang mahusay na challenger, nakatuon ngayon ang pansin ng Pinoy champ sa isang megabuck fight kontra sa featherweight champion na si Marco Antonio Barrera bagamat mas gusto ng kanyang Ame-rican trainer na si Freddie Roach na labanan muna si Paulie Ayala.
"I am ready to fight anybody, anywhere," ani Pacquiao sa post-fight interview, at pinangalanan sina Barrera at Ayala na mas gusto niyang kalaban.
Umakyat sa ring ang hindi man lang naligalig si Pacquiao bagamat siniraan ang kanilang kampo sa pagpapakalat ng tsismis na may hepatitis B ito sinalubong ng mga boo ng mga Mehinakong nasa loob ng lugar na kilala sa pagkakaroon ng masasamang ugali ng fans.
Kalmante pa rin si Pacquiao habang nasa kanyang corner, na ang background ay ang Pambansang bandila na nararapat lamang para sa natatanging kampeon na ipinagmamalaki ng Pilipinas. Nasa kanyang gilid ang American trainer at sina local trainer Buboy Fernandez at Lito Mondejar.
Sa pagtunog ng unang round, agad na sumugod si Lucero ngunit kumunekta agad si Pacquiao ng malagkit na kaliwa sa kanyang mga jabs at mabilis na nakita ang kahinaan ng kalabang Mehikano.
Mahusay namang dumepensa si Pacquiao at sumusunod sa mga instruction ni Roach na hanapin ang overhead right ng challenger mula sa Bronx, New York.
Binalaan pa ng referee si Lucero na mas mababa kay Pacquiao na yumuyuko sa pakikipagpalitan ng jab.
Nagpaulan ng matitigas na kaliwa si Pacquiao sa first round para agad makalamang.
Nagsimulang magpakawala ng hanging suntok si Lucero sa ikalawang round habang nakuntento naman si Pacquiao sa pagsayaw sa kanya nang makakuha ng tiyempo at binigyan ng solidong kombinasyon ang kalaban.
Muling nagbigay ng instruction si Roach na pataaman ang katawan ng kalaban at nang bumuka ang depensa ni Lucero, isang matinding left cross ang kanyang pinakawalan na tuliyang nagwakas sa pag-asa ng Mehikano na nagpatahimik sa manonood may 48 segundo sa ikatlong round. (DMVillena)