Winning streak ng JRU pinigil ng PCU

Nagtala ng malalaking panalo ang Colegio de San Juan de Letran at Philippine Christian University laban sa magkahiwalay na kalaban sa NCAA men’s basketball tournament kagabi sa Rizal Memorial Coliseum.

Pinigil ng PCU Dolphins ang winning streak ng Jose Rizal University sa pamamagitan ng 69-63 panalo sa ikalawang seniors game.

Sa unang laro, naungusan naman ng Colegio de San Juan de Letran ang University of Perpetual Help Rizal, 68-66.

Mula sa delikadong 65-63 kalamangan, kapwa isinalpak ni Arden Guiyab ang kanyang dalawang freethrows para ilayo ang PCU sa 67-63, 23 segundo pa ang nalalabing oras sa laro.

Sa juniors division, inilampaso ng Letran Squires ang UPHR Alta-lletes, 98-68.

Show comments