^

PSN Palaro

Red Bull Barako ipinakilala

-
Sa pagpasok ng Red Bull team sa nalalapit na Samsung-PBA Invita-tional Championship, dadalhin nito ang kanilang bagong pangalan, bagong attitude ngunit naroroon pa rin ang ipinagma-malaking fighting spirit.

"We’re eager to prove that Red Bull is the best team in the PBA," pahayag ni Red Bull coach Yeng Guiao sa PSA Forum na ginanap sa Manila Pavilion.

Kasabay nito, inilunsad din ng team ang kanilang bagong produkto at dadalhing pangalan.

Buong ningning na ipinakilala sila ngayon bilang Red Bull Barako.

"We were overtaken by events in the All-Filipino Cup. We’re frustrated but we want to use it as a rallying point for our campaign in the coming Invitational," dagdag pa ni Guiao.

Tinutukoy ni Guiao ang PBA format maging ang wala sa panahong pagka-suspinde ng kanilang mga key players na sina Jimwell Torion at Davonn Harp sa krusiyal na bahagi ng torneo.

Ang All-Filipino Cup ay may double-round robin elimination format na sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng liga ang record sa pagtatapos ng elims ay hindi binigyan ng halaga patungo sa quar-terfinal. Hawak ng Red Bull ang 15-6 record kung saan sila ang lider noon ngunit tumapos lamang sila sa ikalimang puwesto.

"I’m confident of our chances against the local teams," patuloy ni Guiao. "I’m sure we can compete against the best like Talk N Text and Coca-Cola. But we might have to adopt a different approach against the foreign teams."

At sa pagbabalik nila sa aksiyon sa Invitational Cup tiyak na mainit na paghihiganti ang kanilang ipadadama lalo na’t nak-balik na si Torion matapos na tanggalin ng PBA ang kanyang indifenite sus-pension na ipinataw makaraang maging positibo sa ipinagbabawal na droga. (Ulat ni DMVillena)

ALL-FILIPINO CUP

ANG ALL-FILIPINO CUP

DAVONN HARP

GUIAO

INVITATIONAL CUP

JIMWELL TORION

MANILA PAVILION

RED BULL

RED BULL BARAKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with