^

PSN Palaro

Bagong hamon haharapin ng Phone Pals

-
Ilang Linggo pa lamang matapos na mapagwagian ng Talk N Text ang kanilang kauna-unahang Philippine Basketball Association Championships, panibagong hamon naman ang muling susuungin ng Phone Pals sa pagsisimula ng Samsung-PBA Invitational Champion-ship, ang league’s mid-season tournament sa Linggo sa Cuneta Astrodome.

Mapapasabak ang Phone Pals na sumungkit ng season-opening All-Filipino Cup crown na siyang tumapos sa pitong taong tag-gutom sa korona ng PLDT-owned franchise sa mga matitikas ring koponan gaya ng Red Bull, FedEx, South Korea at ang ang entry na Yonsei University at Yugoslavian selection sa dalawang group side event.

Magkakasama naman sa Group B ang All-Filipino Cup runner-up Coca-Cola, Alaska Milk, San Miguel Beer, Philippine Team at China’s Jilin Yi Qi Tigers sa month-long tournament na ito na kauna-unahan sa liga na magtatampok sa mga foreign guest teams sa nakalipas na dalawang dekada.

Sa ilalim ng format ng tournament, na kauna-unahang pumayag na magkaroon ng foreign guest team sapul nang maglaro ang south Korean team na pinangunahan ng deadshot na si Lee Chung-Hee na lumaro dito noong 1982, ang top two teams sa bawat bracket makaraan ang single round eliminations ang uusad sa knockout semifinals na siyang magdedetermina sa dalawang finalists.

Bagamat nagpamalas ang Phone Pals ng maningning na porma sa All-Filipino, inaasahang mahigpit na laban ang kanilang kakaharapin mula sa Red Bull na inaasahang babangon mula sa kanilang maagang pag-kakasibak sa season-opening tournament makaraang madomina ang eliminations.

Mabigat ding kalaban ang Yonsei University na mayroong apat na national youth players sa kanilang lineup, bukod pa ang national men’s mainstay na si Bang Sung-Yoon.

Pinaghalong collegiate at commercial players na may average height na 6’6 ang isasabak ng Yugoslavians na ang kanilang paglahok dito ay suportado ng Lamoiyan Corp.

Mabigat rin ang mga kalahok sa second group dahil sa presensiya ng Magnolia-backed Jilin Yi Qi Tigers na babanderahan ng many-time national player na si Sun Jun na siyang nanguna sa Chinese league scoring noong nakaraang season.

vuukle comment

ALASKA MILK

ALL-FILIPINO CUP

BANG SUNG-YOON

CUNETA ASTRODOME

GROUP B

ILANG LINGGO

JILIN YI QI TIGERS

PHONE PALS

RED BULL

YONSEI UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with