^

PSN Palaro

FEU Tamaraws solo lider

-
Sinolo ng Far Eastern University ang solong liderato sa UAAP men’s basketball tournament matapos ilampaso ang National University, 71-49 sa Ateneo gym kahapon.

Nagpamalas ng mahigpit na depensa ang FEU Tamaraws upang ilista ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa gayong ding dami ng laro habang nilamon naman ng NU Bulldogs ang kanilang ikalawang sunod na talo matapos magtagumpay sa kanilang debut game.

Ibinandera ng Far Eastern ang kanilang pinakamalaking kalamangan na 22-puntos, 63-41 patungo sa huling mahigit tatlong minuto ng ikaapat na quarter.

Wala nang nagawa ang Bulldogs kundi lunukin ang pagkatalo sa puntong ito.

Iniwan ng Tamaraws sa ikalawang puwesto ang dating mga kasosyong De La Salle University at University of the East.

Sa ikalawang seniors game, nalusutan ng Ateneo de Manila Blue Eagles ang hamon ng University of Santo Tomas Growling Tigers, 69-65.

Pinamunuan ni Larry Fonacier ang Blue Eagles sa kanyang 18 puntos.

vuukle comment

ATENEO

BLUE EAGLES

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EASTERN

FAR EASTERN UNIVERSITY

LARRY FONACIER

MANILA BLUE EAGLES

NATIONAL UNIVERSITY

TAMARAWS

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS GROWLING TIGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with