Ang tanging Pinoy na nasa round-of-16 na si Ramil Gallego na naka-usad sa main draw matapos magwagi sa qualifying tournament ay binigo naman ng Canada-based Pinoy na si Alex Pagulayan na patuloy ang pananalasa, 11-4.
Pinataob naman ni Chinese-Taipei sensation Chinshun Yang ang 2001 World Pool Champion Mika Immonen ang 11-5.
Maagang umabante si Bustamante 5-3 sa likod ng kanyang pambihirang break ngunit umupo sa kanyang silya habang pinapanood ang mahika ni Reyes na mapagwagian ang tatlong racks at maagaw ang bentahe, 6-5.
Ngunit minalas si Reyes at nag-scratch sa break sa rack 12 at itabla ang laro sa 6-6.
Ibinulsa ni Bustamante ang bola sa break sa 13th rack at itago ang 1-ball sa likod ng 7 ngunit isa na namang magic ang pinakawalan ni Reyes para palusutin ang one at makakuha ng magandang posisyon sa 2-ball position at makausad sa 7-6 na nagbigay sa kanya ng psychological edge.
Naubusan ng titirahin si Reyes nang kunin lahat ni Bustamante ang dalawa pa para muling itabla uli ang iskor sa 7-7, bago ibinulsa ang tatlong bola sa kanyang break at linisin ang rack upang itala ang 8-7 abante at sundan pa ng klasikong break at run out para sa 9-7
"Its tough to play against your countryman. I feel terrible. Filipinos dont like to see Efren and me against each other because we are like brothers. But what can we do. This is the draw and this is a game," ani Bustamante matapos magwagi sa kanyang laban.
Makakalaban ng 39 anyos na Pinoy, na runner-up noong nakaraang taon kay Earl Strickland, ang 24 anyos na si Thorsten Hohmann ng Germany na nagsabi namang mas gusto niyang makaharap si Busta-mante kaysa kay Reyes.
Tinalo naman ng defending champion na si Earl Strickland na maka-kaharap si Yang sa quarterfinals ang British snooker ace na si Steve Davis 11-9.