^

PSN Palaro

Tag-Init Sa Amerika

GAME NA! - Bill Velasco -
Bagamat pasimula na ang tag-ulan dito sa Pilipinas, kasagsagan ng tag-init sa Amerika, at nagkalat ang mga liga ng basketbol doon. maraming mga NBA players ang may kanya-kanyang palaro, kasabay rin ng NBDL (National Basketball Development League, farm league ng NBA). Marami ang naghahanap ng pagkakataong magpakitang-gilas, at nagpapapansin sa mga agent at scout.

Naririyan ang Rucker League, na sinimulan ni Holcombe Rucker noong dekada ng 1960's. Maraming kilalang manlalaro ang nagsimula rito, kabilang sina Wilt Chamberlain, Julius Erving at Connie Hawkins. May sarili rin silang superstar, tulad ng yumaong si Earl "The Goat" Manigault, na tsumibog sa maraming NBA All-Star noong kapanahunan niya.

May mga iba pang pro league sa iba't ibang dako ng Amerika. Maging ang ilang dating import dito, tulad nila Sean Chambers, Bobby Parks at Lamont Strothers ay sumali doon.

Subalit wala sigurong hihigit pa sa Southern California Summer Pro League o SPL. tatlumpu't apat na taon nang umaandar ang ligang ito, at tuwing summer, limang laro bawat araw ang nakatambak sa kanilang schedule. Mahigit 800 nakaraan at kasalukuyang NBA player ang nakalahok na rito, at dito hinahasa ng mga NBA teams ang kani-lang mga first- at second-round draft picks bago sumabak sa regular season.

At kung tatanungin mo kung sinu-sino ang mga naglaro rito, baka mahilo ka sa dami at kasikatan ng mga lumahok. Naririyan sina Bonzi Wells, Darius Miles, Quentin Richardson, Cedric Ceballos, Tony Battie, Jason Richardson, Shane Battier, Kelvin Cato, Drew Barry, Antawn Jamison, Magic Johnson, Jerry Stackhouse, Kobe Bryant, Tim Duncan, Mike Finley, Damon Stoudamire, Penny Hardaway, Paul Pierce, Michael Olowokandi, Bo Outlaw, Dirk Nowitzki, Greg Anthony, Baron Davis, Tracy McGrady, David Robinson, Nick Van Exel, Brent Barry, Ray Allen, Pooh Richardson, Derek Fisher, Dominique Wilkins, Courtney Alexander, Isiah Thomas, Eduardo Najera, Reggie Miller, Karl Malone, Clyde Drexler, Byron Scott, Moses Malone, Dennis Rodman, Danny Manning, Cherokee Parks, Amare Stoudemire, Drew Gooden, Mike Dunleavy, Jr. at Gliberto Arenas, na dumayo pa para lamang makipagsabayan sa mga bigatin ng basketbol.

Di lamang iyan. Sa lakas ng mga naglalaro, pati mga national team ng iba-ibang bansa ay sumali na rito. Mula sa USA Basketball (Goodwill Games Team), Basketball Canada (Canadian National Team), Japanese National Team, Finnish/Swedish All-Stars, Mexican University All-Star Team, German National Team,

Chinese Basketball Association (1996 Chinese Olympic Basketball Team) hanggang sa Ukranian National Team, lahat ay sinukat ang kanilang lakas sa SPL.

Kung natuloy ang balak ng PBA na baguhin ang kalendaryo nito upang mabakante ang Hulyo hanggang Oktubre, makakasali na ang mga PBA teams sa SPL.

O, laban ka?

AMARE STOUDEMIRE

AMERIKA

ANTAWN JAMISON

BARON DAVIS

BASKETBALL CANADA

BO OUTLAW

BOBBY PARKS

BONZI WELLS

TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with