^

PSN Palaro

Pinoy archers tutudla ngayon

-
THE BRONX, New York -- Matapos ang nakakapagod na mahabang biyahe, tatangkain ng Philippine team na makasungkit ng slot para sa susunod na taong Olympics sa kanilang pagsabak sa kompetisyon sa Martes (Miyerkules sa Manila) sa pagsisimula ng 42nd World Archery Championships sa Van Cortlandt Park dito.

Sasabak sa aksiyon ang koponan, na nag-ensayo lamang ng dalawang araw, makaraan ang 30-oras na biyahe at pagkaka-delay sa airport na wala ang women’s No. 1 na si Jennifer Chan na nabigong maka-kuha ng visa sa takdang oras ng nasabing tournament na pipili ng unang 96 mula sa 128 archers na pinaghalong men’s at women’s recurve divisions na tutungo sa Athens.

Hindi lamang si Chan ang nagkaroon ng problema sa visa kundi maging ang iba pang koponan ay dumanas ng kanyang pinagdaanan dahil sa pagkakaroon ng extra security measures sa nasabing biennial championships makaraan ang naganap na kahindik-hindik na Septemberr 11 attacks noong 2001 sa New York.

Isa sa dumanas ng mas mabigat na problema ay ang Malaysia kung saan ang kanilang buong men’s team ay hindi pinagkalooban ng visa gaya rin ng Iraqi women’s team na inimbitahan lamang ilang araw bago magsimula ang opening ng nasabing tournament kung saan umabot sa 578 ang kalahok mula sa 81 bansa.

Dahil sa wala si Chan, isa sa pag-asa ng bansa ang 20 anyos na Sydney Olympian men’s No. 1 Marvin Cordero, ay sasabak sa kanyang kauna-unahang world tournament. Nakahanda na rin sa aksiyon si Cocoy Cubilla na sa edad na 25-anyos ay may mayaman ng karanasan sa mga international scene. Ang iba pang gagawa ng malakas na impact ay sina Arnold Rojas, 29-anyos at Florante Matan, 20-gulang.

Sa women’s team, kakampanya naman sina Rachelle Anne Cabral at Jasmin Figueroa na kapwa 18-gulang at physical education majors sa University of Makati at ang beteranang si Joann Tabanag, 39-anyos para sa bandila ng bansa.

Eentra naman ang archers mula sa compound division sina Clint Sayo, Manny Martinez, Raul Ramon Arambulo at Carlos Carag, na bagamat mahihirapan na makakuha ng slot sa Olympics, ang karanasan naman na kanilang makukuha sa tournament na ito ang magpapalakas ng kanilang tsansa sa Southeast Asian Games ngayong Disyembre sa Vietnam.

ARNOLD ROJAS

CARLOS CARAG

CLINT SAYO

COCOY CUBILLA

FLORANTE MATAN

JASMIN FIGUEROA

JENNIFER CHAN

JOANN TABANAG

MANNY MARTINEZ

NEW YORK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with