Stags hiniya ng Knights
July 15, 2003 | 12:00am
Gumamit ang Letran Knights ng matatag na endgame upang hiyain ang defending champion San Sebastian Stags, 73-64 sa pagpapatuloy kahapon ng 79th NCAA mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Ang panalong ito ng Intramuros-based squad ang nagdala sa kanila ng pakikisalo sa liderato sa Mapua Tech.
Sumandig ang Letran sa agresibong opensa ni Ronjay Enrile nang tumapos ito ng 20 puntos upang pamunuan ang Knights na ipalasap sa three-peat seeking Stags ang kanilang ikatlong sunod na pagkatalo.
Habang trinatrangkuhan ni Enrile ang kanilang opensiba sa labas, nagbigay naman ng malaking suporta ang tandem nina Frederick Rodriguez at Jonathan Pinera na siyang nangasiwa naman sa shaded area nang kanilang ma-check ang 67 na si Clark Moore.
Sa pagtutulungan nina Enrile at Jonathan Aldave, nagawang itayo ng Letran ang kampanteng 49-40 kalamangan sa kalagitnaan ng third canto.
Tatlong ulit na sinikap ng Recto-based dribblers na bumangon na ang huli ay sa 55-56 may pitong segundo na lamang ang nalalabi.
Ngunit ito na ang huling hirit ng Stags nang umigkas ang 15-2 salvo ng Knights sa pangu-nguna ni Enrile na umiskor ng tres at jumper upang iselyo ang kanilang ikalawang sunod na panalo.(Ulat ni M.Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended