Pinoy cue artists nanalasa pa rin
July 15, 2003 | 12:00am
Patuloy ang pag-atake ng mga Pinoy pool players nang walo sa siyam na lahok ay halos nakakasiguro na sa round of 64 sa ikalawang araw ng eliminations ng World Pool 9-ball Championships sa Cardiff, Wales.
Tinapatan ng mga batang Pinoy cue masters na sina Lee Van Corteza at Dennis Orcullo ang impresibong simula ng idolo nilang si Efren Bata Reyes nang humakot ng apat na panalo at manguna sa kanilang mga grupo na may tigwalong puntos habang sina 2002 runner-up Francisco Django Bustamante, Warren Kiamco, Marlon Manalo at Antonio lining na nagtala ng anim na puntos sa kani-kanilang grupo.
Pinalakas naman ni qualifier Ramil Gallego ang kanyang tsansa nang sorpresahin ang kababayang si Kiamco, 5-3 at manatiling may pag-asa sa sa Group 9 sa kanyang 4 puntos.
Dinaig ni Corteza si John Papadopolous ng Greece, 5-4 bago sinilat ang top seed na si Corey Deuel, 5-2 para sa Group 10.
Tinalo naman ng 24 anyos na si Orcullo si Carmine Nanula ng Italy at isinunod si German Ralph Eckert, 5-2 at manguna sa Group 14.
Ginapi naman ni Re-yes ang Canadian na si John Horsfall, 5-2 at isinunod si Janne Kaipainen of Finland, 5-4 sa kanilang kapana-panabik na race-to-5 duel.
Ngunit nagningning sa araw na iyon si Manalo nang kanyang gulan-tanging ang world no. 1 at champion sa katatapos na Europe vs RP 9-ball event sa Manila na si Mika Immonen ng Finland sa makapigil-hiningang 5-4 iskor at iposte ang sumunod na panalo kontra kay Charlie Williams ng US, 5-4 para sa kanyang ikatlong sunod na tagumpay para makihati sa liderato kay Hinokiyama Haruyoshi ng Japan sa Group 5.
Nakisosyo din si Bustamante sa liderato sa Group 2 sa pamamagitan ng magaan na 5-2 panalo kay Australian Phil Reilly at German Thomas Engert, 5-3 habang pinayuko ni Kiamco si Singaporean Lay Angboon, 5-3.
At matapos matalo sa kanyang unang laban, tatlong sunod na tagum-pay naman ang itinala ni Lining. Unang ginapi si Jung Hongjo ng Korea, 5-1 isinunod si Jason Cruz ng Puerto Rico.
Tanging ang qualifier na si Ronnie Alcano ang namemeligrong mapa-talsik, nang matalo ito sa kanyang unang dalawang laro bagamat nanalo ito kay Alexander Marcut, 5-1.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am