Paragua nakipag-draw

Nauwi sa draw ang sagupaan sa pagitan nina Grandmaster candidate Mark Callano Paragua (ELO 2500) at Luxemburg rank No. 1 player at Grandmaster na si David Alberto (ELO 2550) makaraan ang ikawalong round ng 2003 Cham-pionnat de Paris noong Sabado ng gabi sa Commerce Industrial de Paris sa France.

Taglay na ngayon ng 19-anyos at Asian 3.2a zonal runner-up na si Paragua ang 5 panalo, 2 draw at isang talo para sa kanyang kabuuang 6 puntos sa ikawalong round at nakisosyo sa pakikipagtabla sa ikalawa hanggang ikalimang puwesto kina Ukraine GM Stanislav Savchenko (2560), Irish IM Amir Bagheri (2500) at IM Todor Todorov (ELO 2471) ng Bulgaria.

At dahil sa isang round na lamang ang nalalabi, napanatili ni GM Alberto ang kapit sa solong pangunguna bunga ng kanyang 6.5 puntos na nalikom.

At sa ika-9th at final na round sa Linggo ng gabi, maghaharap sina GM Alberto at GM Savchenko sa board 1 habang magsasagupa naman sina IM Bagheri at IM Paragua sa board 2.

Samantala, lumasap ng isang malaking upset na kabiguan ang bagong kahihirang pa lamang na IM na si Joseph Sanchez (ELO 2410) nang yumukod ito sa mga kamay ni Jonathan Dourerassou (ELO 2202) ng France upang manatiling nasa ika-19th hanggang 29th posisyon sa kanyang 4.5 puntos.

Kailangan ni Sanchez na maipanalo ang kanyang huling laban upang mapa-ganda ang kanyang record kontra kay FIDE Master Olivier Simeon (ELO 2315) ng France.

Show comments