^

PSN Palaro

Paragua nasa kontensiyon pa

-
Ginapi ng Filipino Grandmaster candidate na si Mark Callano Paragua (ELO 2500) ang French FIDE Master (FM) na si Thal Abergel (ELO 2412) sa pamamagitan ng 51 marathon moves ng King’s Indian Attack upang manatili sa kontensiyon sa seventh round ng prestihiyosong 2003 Cham-pionnat de Paris Open Chess Championship noong Biyernes ng gabi sa Commerce Industrial de Paris, France.

Nagsakripisyo ang 19-anyos child prodigy at dati ring 1997 World Under-14 Rapid chess champion sa nasabing ring siyudad, hawak ang mga itim na piyesa sa kalagitnaan ng laro upang manumbalik ang aktibong paglalaro at bentaheng posisyon na nagresulta ng kanyang ikalimang panalo at ikalawang sunod.

"Nag sacrifice ako ng rook sa bishop niya pero ang katumbas po ay active play plus mate counter pa ako, bali may dalawang bishop ako, may limang piyon kontra kay Thal na rook, bishop at dalawang piyon, actually, pumasok po sa pre-pared line po namin ni Kuya Joseph kasi opening ko din po iyong ginamit niya," wika ng back-to-back 2002-03 Philippine Junior champion.

Taglay na ngayon ng Asian 3.2a Zonal runner-up ang limang panalo, 1 draw at isang talo para sa kabuuang 5.5 puntos sa ikapitong rounds at nakisosyo sa pakikipagtabla sa 2nd-3rd places sa dating Russian Junior champion Grandmaster Andrei Scchekachev (ELO 2550).

Ayon kay Paragua, kailangan pa niyang manalo sa tatlong GM sa huling tatlong round upang makamit ang posibleng ikalawang GM result o norms at umiskor ng 2.5/3.

COMMERCE INDUSTRIAL

FILIPINO GRANDMASTER

GRANDMASTER ANDREI SCCHEKACHEV

INDIAN ATTACK

KUYA JOSEPH

MARK CALLANO PARAGUA

PARIS OPEN CHESS CHAMPIONSHIP

PHILIPPINE JUNIOR

RUSSIAN JUNIOR

THAL ABERGEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with