^

PSN Palaro

Gallego umabot sa last trip ng World Pool Championship

-
Dinaig ni Ramil Gallego ang Swiss bet na si Marco Tschudi, 6-4, upang makasama ang mga kababayan sa 128-casts ng World Pool 9-ball Championships na magsisimula ngayon sa Cardiff International Arena, Cardiff, Wales.

Inokupahan ni Gallego ang huling puwesto sa Group 9 ng 8-player, 16-group cast. Ang grupo ay pangungunahan ni Warren Kiamco, isa sa tatlong Filipino na seeded dito kasama sina 1999 champion Efren ‘Bata’ Reyes at 2002 runner-up Francisco ‘Django’ Bustamante.

Ang kumpletong lahok ay maglalaban-laban sa race-to-5 sa ilalim ng alternate break format.

At sa pagtatapos ng group section, ang pangunahing apat na players na aabante na kani-kanilang grupo ang uusad sa last 64 at ang huling apat naman ang mapapatalsik.

Ang huling 64 ay race-to-9 duel. Susundin ng torneo ang winner break format mula dito. Ang ikatlong round, quarterfinals at semifinals ay race-to-11 habang ang kampeonato ay ang mahabang race-to-17 pagsasagupa ng magwawagi na siyang mag-uuwi ng pangunahing premyo na $65,000.

Si Bustamante ang mamumuno sa Group 2 habang si Reyes ang top seed sa Group 4 na kabibilangan ng isa pang Pinoy na si Ronnie Alcano.

Nasa Group 5 naman si Marlon Manalo na pangungunahan ni 2001 champion at kamakailan lamang ay nagwagi sa RP vs Europe 9-ball duel na si Mika Immonen ng Finland.

Kabilang naman sa Group 10 si Lee Van Corteza na pinamumunuan naman ni American Corey Deuel, habang si Dennis Orcullo ay nasa Group 14 na si Swede Marcus Chamat ang lider.

Ang second ranked-player na si Antonio Lining ay nasa Group 16 sa likuran ng beteranong American campaigner na si Nick Varner.

No. 1 player naman sa Group 3 si 1996 champion Ralf Souquet ng Germany at ang defending champion na si Earl Strickland ang lider sa Group 1.

AMERICAN COREY DEUEL

ANTONIO LINING

CARDIFF INTERNATIONAL ARENA

DENNIS ORCULLO

EARL STRICKLAND

GROUP

LEE VAN CORTEZA

MARCO TSCHUDI

MARLON MANALO

MIKA IMMONEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with