^

PSN Palaro

Gin Kings may pag-asa pa

-
Humataw si Eric Menk sa first half para sa maagang pag-arangkada ng Barangay Ginebra tungo sa eksplosibong 112-78 panalo kontra sa Purefoods TJ Hotdogs sa Mabuhay Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Kumana si Menk ng 14-puntos sa unang quarter na naglagay sa Gin Kings sa 26-18 kalamangan habang si Mark Caguioa naman ang bumandera sa ikalawang quarter na nagsulong sa Ginebra sa mas malaking kalamangan sa 57-34 sa half-time.

Tinuluy-tuloy pa rin ng Ginebra ang kanilang opensiba sa ikatlong quarter at sa pagtatapos ng yugtong ito ay halos sigurado na ang kanilang tagumpay matapos itarak ang magarbong 33-puntos na kalamangan, 88-55.

Ito ang unang panalo ng Ginebra sa single round tournament na ito na kukumpleto ng cast ng 2nd conference Asian Invitationals.

Ang panalo ay nag-bigay sa Gin Kings ng pag-asang makasama sa mga early qualifiers na San Miguel, Red Bull, Talk N Text, FedEx at Coca-Cola Tigers.

Bunga ng kabiguang ito na ikalawang sunod ng Purefoods, sibak na sila sa kontensiyon dahil ang pinakamaganda nilang pagtatapos ay 2-2 record. Ang posibleng record ng top team sa mini tournament na ito ay 4-0 o 3-1 kartada.

Bukod sa 5 teams na nag-qualify kasama din ang mga teams mula sa China, South Korea, Yu-goslavia at RP team na naghahanda para sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Vietnam sa Disyembre.

ARANETA COLISEUM

ASIAN INVITATIONALS

BARANGAY GINEBRA

COCA-COLA TIGERS

ERIC MENK

GIN KINGS

GINEBRA

MABUHAY CUP

MARK CAGUIOA

PUREFOODS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with