^

PSN Palaro

Frenchman yuko kay Paragua

-
Tinalo ni Grandmaster candidate Mark Paragua si 27th seed FIDE master Asher Glicenstein ng France matapos ang 20 sulungan ng Sicillian Defense at makabalik sa kontensiyon matapos ang apat na round ng Championnat de Paris 2003 Open section sa Commerce Industrial de Paris sa France.

Ang 19 anyos na Pinoy na pangwalo sa rankings sa 69 man lahok na ito ng FIDE Open 9-round swiss system tournament ay lumasap ng kanyang unang kabiguan laban sa French IM na si Arnaud Payen matapos na hindi gamitin ang kanyang pet line sa opening ng King’s Indian Defense at imbes ay gumamit ng Nimzo Indian Defense na naglagay sa kanya para maubos ang oras matapos ang 39 sulungan sa ikatlong round.

Ngunit dinaig naman sina Fabrice Giroux at FM Abdelaziz Onkoud ng France sa round at 2 ayon sa pagkakasunod.

Si Paragua ay may tatlong panalo at isang talo sa apat na laro at nakatabla sa 6th to 16th place kasama sina 4th seed GM Alberto David ng Luxem-borg; FM Lagrave Maxime-Vachier; IM Amir Bagheri; IM Afek Yochanan; IM Arnaud Payen; IM Todor Todorov ; FM Thal Abergel; FM Sebastien Cossin; Jonathan Doure-rassou at IM Philippe Brochet.

Nakipag-draw naman ang bagong IM na si Joseph Sanchez kay Stephane Schabanel ng France para pagandahin ang kanyang record sa 1 win, 2 draw at 1 lose na may kabuuang 2.0 points.

vuukle comment

ABDELAZIZ ONKOUD

AFEK YOCHANAN

ALBERTO DAVID

AMIR BAGHERI

ARNAUD PAYEN

ASHER GLICENSTEIN

COMMERCE INDUSTRIAL

FABRICE GIROUX

INDIAN DEFENSE

JONATHAN DOURE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with