Si Pacquiao ay mapapalaban sa mga tigasing boxer mula sa Mexico na si Israel Vasquez at isang Hapones upang mapaghandaang mabuti ang kanyang pagdedepesa ng International Boxing Federation (IBF) superbantamweight title.
"Kanina ay walang sparring si Manny," pahayag ni Nazario. "Pero bu-kas ay sasabak siya sa sparring. Sampung rounds."
Mula ng dumating si Pacquiao sa Amerika noong Hulyo 1, hindi pa sila nagkikita ni Freddie Roach dahil sa abala ang huli sa kanyang bagong fighter, gayunman, walang dapat alalahanin ang Pinoy champ dahil ang kapatid naman ni Roach na si Pepper Roach at Macka Foley ang nagte-training sa fighter.
Darating naman sa Hulyo 20 ang ilan sa mga kasamahan ni Nazario na sina Lito Mondejar, Moy Lainez at Gerry Garcia. Makakasama rin nila sa biyahe ang asawa ni Pacquiao na si Jinkee.
Samantala, tuluyan ng naupos ang boxing career ni Rolando Gerungco nang mabigo siya sa kanyang laban kontra sa Thais na si Saenghiran Looksanyai sa Bangkok.
Lumasap si Gerungco ng knockout para sa bakanteng Asian Boxing Council title sa mga kamay ni Saenghiran.