^

PSN Palaro

Mas mabigat na sparring para kay Pacquiao

-
Upang maseguro ang tagumpay sa kanyang nalalapit na laban sa Hulyo 26 sa Grand Olympic Auditorium sa downtown Los Angeles, sasabak ang world champion na si Manny Pacquiao sa mabigat na sparring na 10-rounds sa Wild Card Gym ni Freddie Roach sa Holly-wood, California.

Si Pacquiao ay mapapalaban sa mga tigasing boxer mula sa Mexico na si Israel Vasquez at isang Hapones upang mapaghandaang mabuti ang kanyang pagdedepesa ng International Boxing Federation (IBF) superbantamweight title.

"Kanina ay walang sparring si Manny," pahayag ni Nazario. "Pero bu-kas ay sasabak siya sa sparring. Sampung rounds."

Mula ng dumating si Pacquiao sa Amerika noong Hulyo 1, hindi pa sila nagkikita ni Freddie Roach dahil sa abala ang huli sa kanyang bagong fighter, gayunman, walang dapat alalahanin ang Pinoy champ dahil ang kapatid naman ni Roach na si Pepper Roach at Macka Foley ang nagte-training sa fighter.

Darating naman sa Hulyo 20 ang ilan sa mga kasamahan ni Nazario na sina Lito Mondejar, Moy Lainez at Gerry Garcia. Makakasama rin nila sa biyahe ang asawa ni Pacquiao na si Jinkee.

Samantala, tuluyan ng naupos ang boxing career ni Rolando Gerungco nang mabigo siya sa kanyang laban kontra sa Thais na si Saenghiran Looksanyai sa Bangkok.

Lumasap si Gerungco ng knockout para sa bakanteng Asian Boxing Council title sa mga kamay ni Saenghiran.

ASIAN BOXING COUNCIL

FREDDIE ROACH

GERRY GARCIA

GRAND OLYMPIC AUDITORIUM

HULYO

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

ISRAEL VASQUEZ

LITO MONDEJAR

LOS ANGELES

MACKA FOLEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with