Armymen nanalasa sa Tuguegarao elims
July 7, 2003 | 12:00am
Dinomina ng mga miyembro ng 5th Infantry Battalion ng Philippine Army ang 3rd regional elimination race ng 27th National Milo Marathon sa Cagayan Sports Complex dito.
Kinuha nina Armymen Rodolfo Tacadino at Samuel Bernados ang 1-2 finish sa mens 20K race. Naorasan si Tacadino ng isang oras at 16 minutes at 8 seconds upang daigin ang kanyang kakampi ng isang minuto at anim na segundo.
"Bumawi lang ako dahil last year, hindi ako nakasali. Pero noong 2001, ako ang champion dito," ani Tacadino, na napagwagian ang ikaanim na Milo Marathon leg title.
Pumangatlo naman at nakasama nina Tacadino at Ber-nados para sa 42.195K National Finals sa Oktubre 19 sa Metro Manila ang 25 anyos na si Dominador Santilla Jr. na tumawid sa finish line sa bilis na 1:17:35
Sa kababaihan, naidepensa ni Maricar Gammad ang kanyang titulo sa 20K womens event ng karerang kapartner sa pagtataguyod ang Cebu Pa-cific, Bayview Park Hotel, Adidas, Department of Tourism, Powerbar at My Globe.
Naorasan siya ng 1:47:41 kasunod si Nancy Tumpalan (1:57:01) at Anily Darilag (2:07:34)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 22, 2026 - 12:00am