Bigo sa kanyang kampanyang makarating sa finals nang yumuko ito kay German Ralf Souquet, nagpamalas ng solidong pagkontrol sa bola si Reyes at sumandal sa ilang miscue ng kalaban sa pamamagitan ng elegante at soft cushion shots na hindi nakita ng mga fans sa kanyang 7-11 kabiguan kay Souquet.
Nakuha ni Reyes ang isang oras at 40 minutes na tagumpay na nagkakahalaga ng $5,000 nang magmintis ang black 8 ni Kiamco sa 6th rack sa kanilang race-to-11 duel na nagsilbing pampagana sa all-Euro final sa pagitan nina Souquet at Mika Immonen.
"Siyempre malungkot ako dahil nga hindi nakarating sa finals. Pero sa 9-ball naman kasi, pare-pareho lang ang galing namin at ang labanan ay sa breaks lang," ani Reyes na iaakyat sa Hall of Fame ng Billiards Congress of America sa susunod na linggo.