3rd place si Reyes
July 7, 2003 | 12:00am
Naisalba ni Efren Bata Reyes ng konti ang kanyang pangalan nang angkinin nito ang ikatlong puwesto sa 11-5 tagumpay kontra sa kababayang si Warren Kiamco sa pagsasara ng On Cue! Europe vs Philippines 9-ball showdown sa The Loop Entertainment Center sa loob ng ABS-CBN compound sa Quezon City.
Bigo sa kanyang kampanyang makarating sa finals nang yumuko ito kay German Ralf Souquet, nagpamalas ng solidong pagkontrol sa bola si Reyes at sumandal sa ilang miscue ng kalaban sa pamamagitan ng elegante at soft cushion shots na hindi nakita ng mga fans sa kanyang 7-11 kabiguan kay Souquet.
Nakuha ni Reyes ang isang oras at 40 minutes na tagumpay na nagkakahalaga ng $5,000 nang magmintis ang black 8 ni Kiamco sa 6th rack sa kanilang race-to-11 duel na nagsilbing pampagana sa all-Euro final sa pagitan nina Souquet at Mika Immonen.
"Siyempre malungkot ako dahil nga hindi nakarating sa finals. Pero sa 9-ball naman kasi, pare-pareho lang ang galing namin at ang labanan ay sa breaks lang," ani Reyes na iaakyat sa Hall of Fame ng Billiards Congress of America sa susunod na linggo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended