^

PSN Palaro

Lining yuko kay Chamat

-
Yumuko si Antonio Lining kay Swede Marcus Chamat, 2-7 sa labang kung saan siya ang pinapaborang magwawagi at lumabo ang pag-asang makausad sa semifinals sa pagtatapos ng elimination round ng On Cue! Europe vs Philippines 9-ball showdown sa The Loop Enter-tainment Center sa loob ng ABS-CBN compound sa Quezon City.

Umaasang makaka-iskor sa wala pang panalong karibal, nagkabalig-tad ang pangyayari nang maramdaman ni Lining na siya ang nagdedepensa matapos na mapagwagian ni Chamat ang lag at ang dalawang unang racks, kabilang na ang ikalawa nang magmintis ang Pinoy sa green 6 sa side pocket matapos na pahangain ang mga manonood sa kanyang mahusay na tira sa No. 2.

Ang kabiguan ay ikatlo ni Lining sa apat na laban, humina ang tsansa na makakuha ng ikalawang semis berth. At nagbigay naman ito ng pagkakataon kina Francisco ‘Django’ Bustamante at Warren Kiamco na kapwa may magkatulad na 1-2 slates.

Kailangang magwagi nina Bustamante at Kiamco kina German Ralf Souquet at Dutch Niels Feijen, ayon sa pagkakasunod upang manatiling nasa kontensiyon para sa ikalawang semis slot.

Nakuha na ni Efren ‘Bata’ Reyes ang unang upuan sa semis nang magwagi ito kay Souquet noong Huwebes ng gabi, habang sa European side nakuha ni Mika Immonen ang puwesto. Ang dalawang players ay kapwa wala pang talo at kasalukuyang naglalaban para sa no-bearing match habang sinusulat ang balitang ito.

vuukle comment

ANTONIO LINING

BUSTAMANTE

DUTCH NIELS FEIJEN

GERMAN RALF SOUQUET

LOOP ENTER

MIKA IMMONEN

ON CUE

QUEZON CITY

SWEDE MARCUS CHAMAT

WARREN KIAMCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with