Nagawang pagwagian ni Ronald Dableo ang nasabing tournament at ang kanyang International Master title noong Linggo at pinabagsak naman ni Mark Paragua si GM Joey Antonio sa blitz playoff sa kabila ng pagkulapso ng tatlong grandmasters ng bansa.
Tumanggap rin ang 24-anyos na si Dableo ng bonus sa pamamagitan ng pagbulsa ng isa sa tatlong resulta na kanyang kailangan upang maging isang grandmaster.
Tatangkain naman ni Paragua, magdiriwang ng kanyang ika-19th kaarawan ngayong taon ang dalawang huling resulta para sa kanyang pagka-GM sa European tournaments.
Dismayado naman si Antonio sa resulta ng kanyang laro na dapat sanay siya ang nakakuha ng ikalawa at huling slot kung nagawa niyang mamayani sa kalabang GM na si Wu Shaobin ng Singapore sa huling round.