^

PSN Palaro

Paragua kasama ni Dableo sa World Championships

-
Tinupad ng mga batang chess players ang matinding paghihiganti matapos na lumasap ng kahihiyan sa Asian 3.2a Zone chess championship nang iposte ang 1-2 pagtatapos at umusad sa world championship.

Nagawang pagwagian ni Ronald Dableo ang nasabing tournament at ang kanyang International Master title noong Linggo at pinabagsak naman ni Mark Paragua si GM Joey Antonio sa blitz playoff sa kabila ng pagkulapso ng tatlong grandmasters ng bansa.

Tumanggap rin ang 24-anyos na si Dableo ng bonus sa pamamagitan ng pagbulsa ng isa sa tatlong resulta na kanyang kailangan upang maging isang grandmaster.

Tatangkain naman ni Paragua, magdiriwang ng kanyang ika-19th kaarawan ngayong taon ang dalawang huling resulta para sa kanyang pagka-GM sa European tournaments.

Dismayado naman si Antonio sa resulta ng kanyang laro na dapat sana’y siya ang nakakuha ng ikalawa at huling slot kung nagawa niyang mamayani sa kalabang GM na si Wu Shaobin ng Singapore sa huling round.

DABLEO

DISMAYADO

INTERNATIONAL MASTER

JOEY ANTONIO

LINGGO

MARK PARAGUA

NAGAWANG

PARAGUA

RONALD DABLEO

WU SHAOBIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with