NCAA Juniors didribol ngayon

Papagitna naman ang mga high school cagers sa pagsisimula ng NCAA junior basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Bubuksan ng Red Cubs ang kanilang kampanyang mapanatili ang korona sa kanilang pakikipagtagpo sa Baby Dolphins ngayong alas-3 ng hapon.

Mauuna rito, haharapin ng La Salle Greenies ang UPHR Altalettes sa panimulang laban sa ganap na alas-11:30 ng umaga na agad susundan ng Staglets at Light Bombers sa ala-una y medya ng hapon at ang huling laro naman ay sa pagitan ng Red Robins at Squires sa alas-4:45 ng hapon.

Show comments