Mapait para kay Ronald Dableo dahil ipinagkait sa kanya ang playoff sa isang slot ng World Championships.
Matamis naman dahil si Pinoy Grandmaster Rogelio Antonio ang nanalo na nagbigay sa Philippine ng tsansang ma-sweep ang dalawang slot sa World Championships.
Sa kababaiahan, hindi naman naging masuwerte si Arianne Caoili nang mapatalsik ito sa kampeonato makaraang lumuhod kay Vietnamese WIM Nguyen Thi Thanh An.
Pinilit ni Antonio, No. 3 sa event ang kababayang si Dableo para sa kanyang kampanyang makabalik sa World Championships patungo sa final round.
Makukuha nina Antonio at Dableo ang karapatang kumatawan sa Asian Zonal 3.2a kung pipigilan nila ang top seed na si Wu Shaobin ng Singapore at Irwanto Sadikin ng Indonesia, ayon sa pagkakasunod sa closing round.
Dalawa pang Pinoy sina GM Bong Villamayor at IM Mark Paragua ang nasa kontensiyon pa rin para sa World Championships.
Tinalo nina Villamayor at Paragua ang Vietnamese na sina Pham Mihn Hoang at Pham Chuong, ayon sa pagkakasunod.
Nasiyahan naman ang mga Pinoy nang wakasan ni GM Eugene Torre ang serye ng mga draws nang igupo nito si Vietnamese Le Quang Liem para sa kanyang 5 points.
Si Torre, ang unang GM ng Asya at No. 4 sa torneo ay umaasam na lang ng 8th place sa kanyang pakikipagharap kay Quoc Khanh ng Vietnam sa closing round.