^

PSN Palaro

SSC Stags maagang nagparamdam

-
Sinimulan ng defending champion San Sebastian College ang kani-lang pagtatanggol sa titulo matapos ang 81-77 panalo kontra sa Jose Rizal University sa pagbubukas ng 79th season ng National Collegiate Athletics Association men’s basketball tournament kahapon sa Araneta Coliseum.

Nauna rito, hinayaan ng University of Perpetual Help Rizal na maupos ang kanilang 18-puntos na kalamangan ngunit isinalba ni Marcel Cuenco ang Altas nang pagbidahan nito ang 8-0 run tungo sa 74-69 panalo kontra sa College of St. Benilde.

Malamya ang simula ng Baste na siyang dahilan ng kanilang pagkaka-baon sa 36-45 matapos ang unang dalawang quarters.

Ngunit bumawi sa second half ang Stags sa pangunguna nina Leomar Najorda, Pep Moore at Nicole Uy tungo sa kanilang unang panalo.

Tila wala namang problema ang Perpetual patungo sa kanilang bu-wenamanong panalo nang kanilang iposte ang 66-48 kalamangan papasok sa huling 7:32 oras ng labanan.

Ngunit kumulapso ang opensa ng Perpetual nang magkaroon ng body cramps ang kanilang mga bagitong gunner na sina Dominador Javier at Khiel Misa.

Magarbong programa ang inihanda ng host San Sebastian College-Reco-letos sa opening ceremonies kung saan sinaksihan ang parada ng mga players kasama ang kanilang mga muse. (Ulat ni CVOchoa)

.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

COLLEGE OF ST. BENILDE

DOMINADOR JAVIER

JOSE RIZAL UNIVERSITY

KANILANG

KHIEL MISA

LEOMAR NAJORDA

MARCEL CUENCO

NATIONAL COLLEGIATE ATHLETICS ASSOCIATION

NGUNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with