^

PSN Palaro

Lahat ay nakatingin sa Stags at kay Moore

FREE THROWS - AC Zaldivar -
NGAYONG hapon ay magsisimula na ang 79th season ng National Collegiate Athletic Association sa Araneta Coliseum at pipilitin ng San Sebastian College Stags na maidepensa ang koronang hawak nila sa loob ng dalawang taon.

Sa tutoo lang, kung tatanungin ng mga observers, para bang ang pinaglalabanan na lang ngayon ay ang second place. Ito’y kahit na ngayon pa lang magsisimula ang torneo.

Kasi nga’y malakas pa rin ang Stags. At palagi naman talagang malakas ang tropa ni coach Arturo Valenzona. Mahusay kasi ang kanyang recuitment program. Kumbaga’y hindi nahihirapan ang San Sebastian College sa pagkuha ng players, eh.

Kung ikaw ba naman ang isang mahusay na manlalaro na galing sa probinsya o kaya’y bagong graduate sa high school at papipiliin ka kung saang NCAA team ka lalaro, natural na gugustuhin mong maglaro sa champion team. Kung may ibang koponang nais kumuha sa iyo, pag-iisipan mo muna ito ng kung ilang beses pero sa dakong huli, kung may opening pa sa line-up ng Stags at sigurado namang makukuha ka, eh di sa San Sebastian ka na pupunta.

Ganoon talaga ang buhay, eh. Tutoo kasi ang kasabihang "everybody loves a winner."

At siyempre, na-establish na rin ni Valenzona ang kanyang kredibi-lidad bilang coach. Maraming mga batang manlalaro ang nais na ma-under kay Valenzona dahil sa nabalitaan na nila kung ano ang puwedeng maituro at maitulong nito sa kanila.

Bakit nga ba pinapatok ang San Sebastian sa taong ito?

Kasi, nasa kampo pa ng Stags ang Fil-Am na si Clark Moore, isang 6’7 sentro na talaga namang dumomina sa liga sa nagdaang dalawang seasons.

Noong isang taon, kahit na hindi pa eligible si Moore para maglaro sa Philippine Basketball League ay nag-apply siya sa Draft at kinuha siya ng Montana Pawnshop. Kasi nga, si Valenzona pa ang coach ng Jeweler sa panahong iyon.

Ayon sa NCAA rules, kailangang ang isang manlalaro ay nakapagsilbi muna ng tatlong taon sa kanyang college team bago siya lumukso tungo sa PBL at nang hindi maglaho ang kanyang eligibility. Ika nga, puwede pa siyang maglaro sa NCAA kahit na naglalaro na siya sa PBL. Kung papanhik siya sa PBL nang hindi nakakakumpleto ng tatlong taon sa kanyang school team ay maba-banned na siya sa NCAA.

Pero nagbago na ang ruling na iyon ngayon, eh. Ibinaba na ng NCAA sa dalawang taon ang requirement para sa mga nais nang maglaro sa PBL. So. yung mga sophomore players sa NCAA sa taong ito ay puwedeng lumahok sa PBL Draft at maglaro kung saka-sakali nang hindi nawawalan ng eligibility sa NCAA.

Puwes, tiyak na lalaro na sa PBL si Moore pagkatapos ng NCAA season na ito. At sa Montana siya mapupunta dahil hawak ng Jewe-lers ang kanyang rights. Ang manlalarong tulad niya ang kailangan ng Jewelers, na ngayon ay hawak ni coach Bong Go, upang maging lehitimong contender para sa kampeonato.

Pero bago lumukso sa PBL, pipilitin muna ni Moore na mabigyan ng ikatlong sunod na kampeonato ang Stags.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

ARTURO VALENZONA

CLARK MOORE

KASI

KUNG

MONTANA PAWNSHOP

NCAA

SAN SEBASTIAN

VALENZONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with