^

PSN Palaro

UE Warriors handa na kontra Lyceum

-
Parating na sina James Yap, Paul Artadi, Olan Omiping at ang 2002 Champions League winners University of the East Red Warriors.

Idedepensa ng Warriors ang kanilang Na-tional Championship title ngayong Nobyembre bilang no. 1 collegiate team sa bansa, sasagupain ng Warriors ang Lyceum sa penultimate playdate ng Grudge Games ngayon sa Makati Coliseum.

Maghaharap ang UE at Lyceum sa alas-4 ng hapon matapos ang eng-kuwentro sa pagitan ng Bulldogs ng National University at ng Jaguars ng Philippine School of Business Administration sa alas-2.

Siyam na koponan ang siyang makakasama ng 23 iba pang seeded teams para sa 32-team finals.

Makaraang madiskaril sa kanilang pagpasok sa UAAP finals noong nakaraang taon, muling pipilitin ng Warriors na makablik sa Final Four at umaasa sila na ang kanilang kara-nasan na makukuha sa Grudge Games na ito ang isa sa kanilang magiging pundasyon.

Nauna rito, kapwa naman dumanas ng magkaibang kapalaran ang De La Salle at defending UAAP champion Ateneo kontra sa dati nilang NCAA rivals.

Pinayukod ng Green Archers ang Letran Knights, subalit dahil sa pagkawala ng mga key players ng Blue Eagles na sina Rich Alvarez at Wesley Gonzales, gayundin ang head coach na si Joel Banal, dumanas ang Katipunan-based drib-blers ng 84-69 pagkatalo sa mga kamay ng San Beda Red Lions.

Pinangunahan naman ni Arjun Cordero ang San Beda sa kanyang itinalang 21 puntos at nag-ambag si Jerome Paterno ng 19 nang ipadama ng Red Lions ang kanilang lakas bunga ng ilang dating players ng juniors.

vuukle comment

ARJUN CORDERO

BLUE EAGLES

CHAMPIONS LEAGUE

DE LA SALLE

FINAL FOUR

GREEN ARCHERS

GRUDGE GAMES

JAMES YAP

JEROME PATERNO

JOEL BANAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with