Mayor's Cup swimfest

Magiging punong abala ang Manila Sea Hawks, sa kooperasyon ng Manila Sports Council sa ikaapat na Mayor’s Cup Swimming Championships bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Maynila sa Hunyo 21 sa Rizal Memorial pool

Ang naturang meet ay magsisimula sa alas-8:30 ng umaga na limitado lamang sa 50-meter sprints sa Class A at B ng boys and girls divisions. Ang mga age categories na paglalabanan ay ang 6-11 years, 7-8-9-10-11-12-13-14 at 15 pataas.

Ayon kay Ali Atienza, anak ni Manila mayor Lito Atienza at chairman ng MASCO na ang nasabing sprint meet ay bahagi ng kanilang grassroots development program na tampok sa selebrasyon ng pagkakatatag sa bansa ng premier city.

Itinakda ang huling araw ng pagsusumite ng entries sa June 20, sa alas-3 ng hapon. Maaaring direktang magtungo ang mga interesado kay Bert Lozada kaya ay tumawag sa 563-5532 o fax No. 564-6124.

Show comments