Akusasyon ng janitress itinanggi ni Barredo
June 18, 2003 | 12:00am
Mariing itinanggi ni Philippine Sports Commission commissioner Mike Barredo ang akusasyon sa kanyang sexual harassment ng isang janitress na nagtatrabaho sa Teachers Camp sa Baguio City.
Kasama ang kanyang maybahay na si Barbara na dumalo sa PSA Sports Forum, pinabulaanan nito na may ganitong insidenteng naganap.
"Its not true. I never harassed anybody," anang 47 anyos na bulag na commissioner na kilala sa kanyang mahusay na trabaho sa mga kapwa niya physically handicapped at sectoral group. "My conscience is clear. Im going to defend my name, the integrity of my office and the PSC."
Sinabi rin ni Barredo na nakipag-usap na siya kay PSC chairman Eric Buhain tungkol sa reklamong ito na isinampa sa Baguio City Police Office kamakailan at lumabas kahapon. Ayaw munang magbigay ng pahayag ni Buhain, na ayon sa kanya ay ikalawang kaso na ipinataw sa isang commissioner ng government sports agency makalipas ang 10 taon.
Sa pag-alis ng mag-asawang Barredo, siya namang pagdating ni Buhain sa forum na nagsabing isinumite na nito ang paunang ulat tungkol sa kaso sa Malakanyang.
Ayon pa kay Barredo wala sa kanyang isip na may nagsampa ng rek-lamo sa kanya bagamat batay sa police report ang insidente ay naganap umano noong Hunyo 8 sa loob ng kuwarto ni Barredo sa Teachers Camp kung saan ang janitress na nangangalang Isabel ay nagreklamo ng sexual harassment laban kay Barredo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended