^

PSN Palaro

Run Have Fun Achieve slogan ng Manila Marathon

-
Bukod sa mga pambatong runners sa buong bansa sa pangunguna ng mga miyembro ng national team ang itatampok sa Manila Marathon sa Hunyo 22 sa Quirino Grandstand.

Sa pag-ampon ng slogan na ‘Run, Have Fun. Achieve,’ ang Manila Marathon, ayon kay Ali Atienza, Manila Sports Council (MASCO) chairman, ang naturang karera ay inaasahang lalahukan ng lahat ng section ng alta sosyudad.

"It will be avenue for the fun runners at the health and sports buffs, one big gathering to champion sports and physical fitness. And for the competitive, it’s one venue for them to show off their wares," wika ni Atienza sa karerang ito na may suporta mula sa Superferry.

Tampok rin sa Manila Marathon ang karera sa 42K, 10K, 5K at 3K.

Bukod sa Superferry, susu-porta rin sa nasabing event ang Philippine Charity Sweepstakes Office at ang Philippine Sports Commission sa kare-rang na inorganisa ng City of Manila sa ilalim ng liderato ni Mayor Lito Atienza sa pamamagitan ng MASCO at ng Manila Sports Foundation.

Kabilang naman sa nangako ng suporta ang City College Manila, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at EARIST kasama ang mga runners mula sa 900 barangay ng Manila na karamihan ay mula sa academe, clergy, military at police at iba pa.

Nagpatala na rin sa karerang ito ang mga national runners na tutungong South-east Asian Games sa Vietnam ngayong Disyembre sa pangunguna ng reigning gold medalist na si Roy Vence, silver medalist na si Allan Ballester at Crisanto Canillo sa men’s side at si Flordeliza Cachero, ang No 2 female runner ng bansa sa women’s division.

ALI ATIENZA

ALLAN BALLESTER

ASIAN GAMES

BUKOD

CITY COLLEGE MANILA

CITY OF MANILA

CRISANTO CANILLO

FLORDELIZA CACHERO

MANILA

MANILA MARATHON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with