^

PSN Palaro

Realtors nakahinga

-
Kahit dinomina ng Alaska ang laban kontra sa Sta. Lucia para sa 75-66 panalo sa pagtatapos ng quarterfinal round ng PBA-Samsung All Filipino Cup kagabi, meron pa ring dapat ikatuwa ang Realtors.

Ito’y dahil sa likod ng kanilang kabiguan na nagtabla ng kanilang record sa 2-1, nakasulong pa rin sa semifinals ang Sta. Lucia bunga ng kanilang magandang quotient.

Kahit na tambak na ang Realtors, ang Alaska pa rin ang naghahabol dahil kailangan nilang manalo ng 18-puntos para makakuha ng out-right semis slot.

Ngunit naupos ang kanilang 19-puntos na kalamangan sa kalagit-naan ng ikaapat na quarter sa pagpupursigi ng Sta. Lucia na di naka-asa kay Kenneth Duremdes na may strained calf muscle.

Gayunpaman, may tsansa pa rin ang Alaska na makakuha ng outright semis slot kung mananalo ang San Miguel laban sa FedEx na kasalukuyang naglalaban habang sinusulat ang balitang ito.

Kung mananalo naman ang FedEx, ito ay magreresulta ng three-way tie sa 2-1 sa pagitan ng Express, Realtors at Aces na reresolbahin ng quotient.

Ang pairing sa best-of-five semis series ay no. 1 versus no. 2 team ng kabilang grupo ngunit hindi pa tiyak ang placing ng Sta. Lucia dahil ito’y depende pa sa resulta ng ikalawang laro kagabi.

Ang top two teams ng Group B na pumasok sa cross-over semifinals ay ang defending champion Coca-Cola at Talk N Text na no. 1 at no. 2 ayon sa pagkakasunod.

Dismayado si Alaska coach Tim Cone sa officiating sa huling bahagi ng labanan dahil naupos ang kanilang 19-puntos na kalamangan.

"I’m disappointed with the officiating. We got up by 19-points but call got into Sta. Lucia way," wika pa ni Cone na ayaw uma-sang manalo pa ang San Miguel sa kanilang laban sa FedEx dahil wala na rin bearing ito sa San Miguel matapos masibak sa kontensiyon bunga ng kanilang panalo. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

CARMELA V

COCA-COLA

GROUP B

KAHIT

KANILANG

KENNETH DUREMDES

SAMSUNG ALL FILIPINO CUP

SAN MIGUEL

TALK N TEXT

TIM CONE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with