Milo Checkmate

Bubuksan ng Milo Checkmate ang kanilang ikaapat na serye sa pamamagitan ng isang misa at chess simuls ng dalawang mahusay na manla-laro ng bansa sa alas-9:30 ng umaga bukas sa 4th level ng J&F Divino Bldg., na matatagpuan sa #967 Aurora Blvd., tabi ng St. Joseph Church malapit sa Anonas St. sa Quezon City.

Ang nasabing misa ay para sa pagbibigay pasasalamat sa matagumpay na performance ng kanilang Checkmate students na lumahok sa nakaraang National Juniors at Age-Group Chess Championships.

Ang simuls ay lalaruin ng kauna-unahang Asia’s Grandmaster na si Eugenio Torre at ng No. 1 player ng bansa na si GM Rogelio Antonio Jr.

Show comments