Pinoy IM naghari sa Italy

Nakalikom ng 4.5 puntos sa anim na laro si bagong International Master (IM) Joseph Sanchez ng Philippine Navy para maghari sa katatapos na 3RD Festival Scacchi Verdi Bresso International Open Chess Championships na ginanap sa Bresso, Milan, Italy.

Magugunitang nakopo ni Sanchez ang International Master (IM) title matapos magkampeon sa 2003 Trofeo Vedio Category II Closed tournament na ginanap sa taong ito sa Milan, Italy.

Si Sanchez din ang trainor at coach ni back to back (2002-2003) Philippine Junior champion Grandmaster candidate Mark Callano Paragua.

Kabilang sa mga bigating woodpushers na lumahok ay sina IM Ljubisavijvic (4.0 pts.) at IM Dragojlovic (4.0 pts.) ng Yugos-lavia; FIDE Master Sbarra (4.0 pts.) at FM De Santis (4.0 pts.) ng Italy.

Show comments