^

PSN Palaro

Sports Uniform Business ni Victolero

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Nakakatuwa namang malaman na may mga players na nagne-negosyo na para ma-invest ang pera nila wisely.

Imbes na sa droga, at least sa negosyo na itinatapon.

Ang isa diyan ay si Chito Victolero na may patahian pala ng mga sports uniforms.

Si Chito ay galing sa MBA at ngayon eh naglalaro na para sa Sta. Lucia.

Ang marketing office ni Chito ay nasa Quezon City samantalang ang kanyang operations ay nasa Sta. Maria, Bulacan.

Ang pangalan ng kanyang business ay Chlomar’s, hango sa pangalan nito at ng kanyang misis na si Lorrie at ang anak nilang si Chello Marie.

Natutuwa naman si Chito dahil nitong nakaraang summer ay okay na okay ang kanilang negosyo dahil marami nga namang nagpapagawa ng basketball uniforms.

Good luck Chito sa iyong negosyo at sana’y lumawig pa yan. Sana’y gayahin ka pa ng ibang basketball players.

Kung interesado kayong magpagawa ng uniform kay Chito, tawag na lang kayo sa office cellnumber nila na 0917-8949219.

Sabi ni Chito, da best daw ang kanilang quality.

Sige nga, masubukan....
* * *
Sa pagkakapasok ng Viva Mineral Water sa finals ng PBL, ibig sabihin niya eh strong contender na rin ang FEU sa darating na UAAP tournament.

Nung ipinasok ng Viva ang team nila sa PBL, akala nila’y magiging whipping team ito. Aba, akalain mong makarating pa sa finals ang mga bata ni Koy Banal.

To think na ang Hapee team naman eh mostly, puro mga Ateneo players.

Dahil sa magandang performance ng Viva-FEU sa UAAP.

Samantala, ang pagkakapanalo naman ng UPHR Altas sa Ambrosio Padilla Cup ay isa ring senyales na magiging top contender din sila sa darating naman na NCAA tournament.

Tinalo ng Perpetual ang UM Hawks sa finals ng ligang ito kung saan napakaraming college teams ang sumali.

Naging maganda ang labanan ng Perpetual at UM and in the end, ang mga bata ni Bay Cristobal ang nakakopo ng title.

vuukle comment

ALTAS

AMBROSIO PADILLA CUP

BAY CRISTOBAL

CHELLO MARIE

CHITO

CHITO VICTOLERO

KOY BANAL

QUEZON CITY

SI CHITO

VIVA MINERAL WATER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with