Paglapit sa titulo target ng Viva
June 10, 2003 | 12:00am
Ang makalapit sa title sweep ang nais na puntiryahin ng Viva Mineral Water kontra sa Hapee Toothpaste sa Game Two ng Sunkist-PBL Unity Cup na ang aksiyon ay dadako sa Pasig Sports Center.
Hawak ng Water Force ang momentum sa pagpintada ng kanilang laban sa alas-3 ng hapon matapos na kunin ang Game One para sa 1-0 bentahe ng kanilang best-of-five championship series.
Ngunit bago ito, tampok muna ang pagbibigay parangal para sa Individual Players Achievement Awards sa alas-2 kung saan kikilalanin ng liga ang Most Valuable Player, Mythical Team, 2nd Mythical Team at Most Improved Player, Sportsmanship Award at Top Newcomer.
Sa kabila ng kanilang pagiging bagito sa liga, nagawa nilang itakas ang 64-57 tagumpay noong Sabado sa pagbubukas ng kanilang serye sa Quezon Convention Center sa Lucena City.
Ito ay nagpapatunay lamang na kayang tapatan ni coach Koy Banal ang lalim ng karanasan ni coach Junel Baculi sa taktika kung saan nadomina ng Water Force ang board sa 28-17, at napuwersa nila ang Teeth Sparklers sa walong pagtatapon ng bola tungo sa 11 puntos sa first half.
Isa rin sa malaking susi ng tagumpay ng Water Force ay ang paglimita nila sa tinaguriang heart and soul ng koponan na si Peter Jun Simon sa dalawang puntos lamang sa final half, bago naka-iskor lamang ito ng anim na puntos sa final canto.
Dahil sa mala-moog na depensa ng Viva, nagawa rin nilang kontrolin ang dalawang big man ng Ha-pee na sina Wesley Gonzales at Allan Salangsang na tumapos lamang ng 12 at 11 puntos, ayon sa pagkaka-sunod.
At dahil sa krusiyal ang laban ngayon, inaasahan na ni Banal ang panibagong adjustment na gagawin ng kalaban kayat pinaghanda niya ang kanyang tropa na tapatan kung anuman ang ilalabas na laro ng Hapee.
Sa panig naman ni Baculi, gagawa sila ng intensibong performance upang manatili sa kon-tensiyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended