Bagamat underdog sa serye, ipinakita ng Water Force ang kanilang determinasyon sa pangunguna ni Mark Isip na nagtala ng 11 puntos at pitong rebounds kasama ang back-to-back basket na nag-angat sa Viva patungo sa huling tatlong minuto ng labanan.
Sorpresang dinomina ng Viva ang first half kung saan kontrolado nila ang boards, 28-17. Buhat sa 20-18 bentahe, lumobo ito sa 30-18 sa ikalawang quarter.
Sumandal ang Hapee kina Rich Alvarez, Larry Fonacier, L.A. Tenorio at Wesley Gonzales para ilapit ang iskor sa 55-58, 3:54 na lamang ang oras sa laro ngunit umiskor ng back-to-back basket si Isip para sa 62-55 bentahe ng Viva patungo sa huling dalawang minuto ng labanan.
Sa unang laro, isang umaatikabong na 19-0 run ang ginamit ng John-O sa ikatlong quarter upang pabagsakin ang Montana Jewels, 80-67 kahapon upang makopo ang third place.
Humakot si Richard Melencio ng 18-puntos, 12 rebounds at tatlong assists matapos makipagtulungan Emerson Oreta at Nizar Kiram sa third quarter para makawala ang Juzzers at di na muling lumingon pa.Bunga ng panalong ito, nakabawi ang John-O sa kanilang nakakadis-mayang performance sa semifinals kung saan natalo sila sa kanilang anim na laro.