Sinabi ni bacolod City Rep. Monico Puentevella, chairman ng komite, dapat ipaliwanag ni PBA Commisisoner Atty. Noli Eala ang diumanoy pagkakamali nito sa pagmamadali sa drug test ng mga PBA players.
Dapat aniyang linawin ni Eala ang sistemang ginagamit sa drug test upang hindi pagdudahan ang inilalabas nilang resulta.
Malaking perwisyo aniya ang idudulot ng resulta sa pagkatao ng mga players kung tutoong bitamina ang dahilan sa likod ng pagiging positibo nila sa drug test.
"I suspect that Eala hastily called for a drug test even without issuing proper guidelines on over the counter vitamins that our players must avoid from taking before undergoing test," pahayag ni Puentevella.
Sinabi naman ni Davao City Rep. Prospero Nograles na bubusisiin nila kung bakit nagiging positibo ang mga manlalaro sa ilegal na droga gayong bitamina naman ang ginagamit nila.
Kabilang sa mga nasuring PBA players na positibo sa ilegal na droga ay sina Dorian Peña (San Miguel Beer), Asi Taulava at Norman Gonzales (Talk N Text), Jimwell Torion (Red Bull) at Alex Crisano (Ginebra).
Sa pinakahuling pagsusuri, kinilala naman sina Limpot (Ginebra), Davonn Harp (Red Bull), Ryan Bernardo (FedEx), Noli Locsin at Angelo David (Talk N Text) na mga positibo rin sa ipinagbabawal na gamot.
Itinanggi naman ng mga nabanggit na manlalaro na gumagamit sila ng ilegal na droga.
Samantala, umani naman ng papuri mula sa youth sector ang kasa-lukuyang isinasagawang kampanya ng PBA para sa illegal drugs.
Ayon sa nasabing grupo, hindi dapat batikusin si PBA Commisisoner Noli Eala sa kanyang paghahayag ng mga pangalan ng mga manlala-ro dahil sila ang ehemplo ng liga. (Ulat ni MREscudero)