^

PSN Palaro

David nakaungos na sa MVP race

-
Ang impresibong performance na ipinamalas ni Gary David sa mga endgame ay nagbunga ng maganda di lamang para sa Montana kundi para rin sa kanya na naglagay sa 6-foot-3 sa pangunguna sa karera para sa Most Valuable Player award makaraan ang first round ng semifinals ng kasalukuyang Sunkist-PBL 2003 Unity Cup.

Nagtala si David, tubong Dinalupihan, Bataan ng kabuuang 492 statistical points makaraang kumulekta ng 297 puntos sa statistics at 195 points sa mga naipanalong laro.

Kasalukuyan rin siyang nangunguna sa scorer sa kan-yang itinalang average na 19.5, ikalima sa field sa kanyang 58 percent na naikamada (66-of-114) bukod pa ang 5.2 rebounds kada laro.

Bumagsak naman sa ikalawang puwesto ang dating lider na si Ranidel de Ocampo na may 481 SPS’s at ang pagbulusok ng John-O matapos na malasap ang limang dikit na kabiguan sa semis ang tuluyang dumiskaril ng kanyang kampanya para sa MVP.

Tanging tatlong manlalaro ng Hapee Toothpaste sina Peter Jun Simon, Allan Salang-sang at Rich Alvarez ang magiging mahigpit na kalaban ni David para sa MVP.

Si Simon, tubong North Cotabato ang ikatlo sa overall sa kanyang nalikom na 443 SPs, pangatlo rin siya sa scoring na may 14.2 at ikaanim sa freethrows na may 82 percent mula sa 41-of-50 attempts.

Si Salangsang ang nasa pang-apat na may 431 SP’s na nagtala ng average na 9.4 points at 5.2 rebounds habang ikalima naman si Alvarez na may 421 SP’s at ikatlo sa rebounds sa kanyang 9.3.

vuukle comment

ALLAN SALANG

GARY DAVID

HAPEE TOOTHPASTE

MOST VALUABLE PLAYER

NORTH COTABATO

PETER JUN SIMON

RICH ALVAREZ

SI SALANGSANG

SI SIMON

UNITY CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with