San Miguel Asian 9 Ball sasargo ngayon
May 31, 2003 | 12:00am
May 32 players mula sa 13 Asian countries ang maglalaban-laban para sa kabuuang $10,000 ang nakataya para sa dalawang araw na Manila leg ng San Miguel Asian 9-Ball tour na magsisimula ngayon sa Pearl Plaza billiard halls sa Parañaque City.
Anim na Pinoy players naman sa pangunguna ni 1999 world champion Efren Bata Reyes, na idedepensa ang bayan sa panimula ng aksiyon ngayon na straight knockout, alternate break at race-to-9 na sarguhan.
Napagwagian ni Yang Ching Shun ng Taipei ang unang leg bago ito nahinto dahil sa paglaganap ng SARS sa rehiyon.
Ang top 10 players matapos ang Tour ay awtomatikong may puwesto para sa World Pool Championships na gaganapin sa Cardiff, Wales sa July.
Hinati sa dalawang grupo na may 16 players, makakasama ni Reyes ang mga kababayang sina Rodolfo Luat at Antonio Lining habang nasa kabilang grupo naman si Francisco Django Bustamante na kasama naman sina Leonardo Andam at Warren Kiamco.
Makakaharap ni Luat si Fong Pang Chao ng Taipei; Lining kontra Ibrahim Bin Amir ng Malaysia at Reyes vs Eddie Kee Tian ng Singapore.
Makakalaban naman ni Andam si Kuan Choon Van ng Malaysia; Kiamco laban kay Fung Kwok Wai ng Hongkong at Bustamante kontra naman kay Freddie Soh Chye ng Singapore.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest