^

PSN Palaro

Montana, Hapee nalo

-
Kung kailangan ng John-O na manalo para manatiling buhay, nagpa-kita naman ng mas malaking determinasyon ang Montana Pawnshop nang iposte nila ang 72-59 panalo at makasiguro ng playoff para sa huling championships berth ng Sunkist-PBL 2003 Unity Cup sa Pasay Sports Complex.

Nagtala si Jon Dan Salvador ang 15 puntos, 6 rebounds at 3 blocks para ilista ng Jewelers ang kanilang ikatlong semifinal win sa apat na asignatura.

Sa kabilang dako, ang John-O na isa sa malakas na contender sa title ay lumasap ng kanilang ikaapat na sunod na kabiguan na ang tanging pag-asa ay puwesto para sa labanan sa third place.

Sa ikalawang laro, nagpakawala naman ng 11-0 blast ang Hapee Toothpaste sa final six minutes nang baligtarin nito ang laban at kunin ang 74-65 panalo kontra sa Viva Mineral Water at makisosyo sa liderato.

Namuno si Allan Salangsang sa kanyang ipinosteng 16 puntos, 9 rebounds at isang steal nang samahan niya si Niño Gelig sa krusiyal na atake at makasama ang Montana sa unahan sa 3-1 record.

Nalaglag naman ang Water Force sa 2-2 marka.

Isang triple ni Warren Ybañez ang bumasag sa pananahimik ng Viva habang kumana din ng basket si Jason Misolas para ilapit ang iskor sa 65-69 may 44 segundo na lamang ang nalalabing oras.

Ngunit hanggang doon lang ang nagawa ng Viva.

vuukle comment

ALLAN SALANGSANG

HAPEE TOOTHPASTE

JASON MISOLAS

JOHN-O

JON DAN SALVADOR

MONTANA PAWNSHOP

PASAY SPORTS COMPLEX

UNITY CUP

VIVA MINERAL WATER

WARREN YBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with